once in a life time…

when youre gone by avril lavigne

MINSAN…

Magmula nang makasama na kita sa buhay ko,

Minsan hiniling ko na wag ng matapos ang samahang ito.

Ayaw kong mawala ka na lang ng bigla

Dahil baka matapos ang buhay ko sa sandaling ang pagibig mo’y tumila.

Masaya ako pag kasama kita,

Masaya ako pag kausap kita,

Masaya ako pag katabi kita,

Masaya ako pag hawak naten ang kamay ng bawat isa.

Maligaya ako pag saglit na nagdadampi ang ating mga labi,

Maligaya ako pag nasisilayan ko ang iyong ngiti,

Maligaya ako pag inaamin mong mahal mo ako,

At nang pinangako mong ako lang ang mamahalin mo.

Ngayon ko lang naranasang magmahal ng ganito,

Sayo ko lang naramdaman ang kaligayahan kapag ika’y kapiling ko.

Walang makakapagpabago sa isinisigaw ng aking puso,

Kahit sinong humadlang ay pipigilan ko.

Akala ko ayos na ang lahat,

Akala ko ang pagmamahalan natin na’y sapat,

Akala ko tayo na talagang dalawa,

Akala ko di na ako muling luluha pa.

Wala naman akong nagawa,

Di lubos maisip mawawala na lang bigla.

Wala nga akong ginawa

kundi ay minahal lang kita ng sobra sobra.

Naghintay ako,

Umasa ako,

Baka busy ka lang,

Kaya di mo ako maalala kahit minsan man lang.

Pinag-mukha mo akong tanga,

Pinaasa sa wala,

Pinagantay kahit wala,

Sinaktan mo ako at lubhang pinaluha.

Gusto kong magalit,

Gusto kong magwala,

Sana man lang naisip mo,

Di ako manhid para di masaktan ng ganito.

Pinipilit kong magsaya,

Pero sa sa likod ng ngiti ko,

Durog na durog ang puso ko,

IGGY pakiusap wala na ba akong halaga sayo???

Kinamumuhian kita,

Isa kang napakasinungaling na BATA!!!

Hindi ka marunong magpahalaga,

Sayang MAHAL NA MAHAL pa naman kita…

Ayos lang kung may mahal ka nang iba,

Tatanggapin ko yun.

Dun ka masaya dun ka!!

DOON ka…

Tanga ako kasi naniniwala ako sayo,

Akala ko ba magtiwala lang ako sayo magiging maayos ang lahat?

PUTANGINA mali ako,

Ako pala ang magiging kawawa.

Basta ang alam ko,

Ikaw lang ang sobrang minahal ko,

Kaso iiwanan mo pala ako,

Sana kahit minsan inisip mo…

“Si ELLA nagiisa lang sa mundo,

walang katulad.

Makahanap ka man ng higit sa aken,

sisiguraduhin ko sayo

pagsisihan mo ang ginawa mo.

Di nga ako maganda marunong

naman akong magpahalaga!!!”

>kaya ko pang magtiis…

pero nasasaktan na ako ng labis,

Mahal na mahal kita

ngunit di ko na kaya…

Romelia R. Madronio

April 6,2008

One Response to “once in a life time…”

  1. hi ella….

    you’re poem was really impressive and really more loving….

    i understood all of the message as well as the essence of the composition…
    i’m very proud to be your friend…
    or else to be a part of your life…
    thank you for giving me a chance to read your poem…
    and thank you for being sweet….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.